Pinoprotektahan ka ng Intra mula sa pagmanipula ng DNS, isang cyber attack na ginagamit para i-block ang access sa mga site ng balita, social media platform, at mga app sa pagmemensahe. Pinoprotektahan ka rin ng Intra laban sa ilang phishing at malware na pang-aatake. Wala nang mas sisimple pa sa paggamit ng Intra — iwanan lang itong naka-on at hayaan lang ito. Hindi pababagalin ng Intra ang iyong koneksyon sa internet at walang limitasyon sa paggamit ng data.
Habang pinoprotektahan ka ng Intra laban sa pagmamanipula ng DNS, may iba pang higit na kumplikadong mga pamamaraan ng pag-block at pang-aatake na hindi napoprotektahan ng Intra.
Matuto pa sa https://getintra.org/.
Mga Feature
• Libreng access sa mga website at app na na-block ng pagmamanipula ng DNS
• Walang limitasyon sa paggamit ng data at hindi nito pababagalin ang iyong koneksyon sa internet
• Panatilihing pribado ang iyong impormasyon — Hindi sinusubaybayan ng Intra ang mga app na ginagamit mo o ang mga website na binibisita mo
• I-customize ang iyong provider ng DNS server — gumamit ng sarili mo o pumili mula sa mga sikat na provider
• Kung may anumang any na hindi gumagana nang maayos sa Intra, puwede mong i-disable ang Intra para lang sa app na iyon
• Open source
Na-update noong
Abr 3, 2024