Ang AppMgr (higit na kilala bilang App 2 SD) ay isang lubos na bagong disenyo ng app na nagseserbisyo ng mga sumusunod na bahagi:
★ Maglipat ng apps: maglipat ng apps alinman sa internal o external na storage para magkaroon ka ng masmalaking space
★ Magtago ng apps: pinapayagan ka na itago ang system (built-in) apps mula sa drawer ng application
★ Magfreeze ng apps: pinapayagan ka na magpatigil ng apps upang hindi nila gamitin ang CPU o ang mga memory resources
★ App manager: tumutulong mamahala ng apps para sa grupong pag uninstall, paglipat ng apps o pagbabahagi ng apps sa mga kaibigan
Suportahan ang app 2 sd para sa Android 2.x at pataasa. Para sa Android 6+, basahin ang http://bit.ly/2CtZHb2 pag hindi mo nakita ang Change na pindutan. Ang ibang device ay maaring hindi suportado, bisitahin ang AppMgr > Settings > About > FAQ para sa mga detalye.
Mga tampok:
★ makabagong disenyo ng UI at mga tema
★ maguninstall ng apps
★ maglipat ng apps sa external storage
★ magbigay-abiso pag may app na puwede ilipat sa external storage
★ magtago ng apps mula sa app drawer
★ magfreeze ng apps sa nakatigil na estado
★ 1-pindot para malinis ang cache
★ maglinis ng cache o data
★ grupong pagtingin ng apps sa Google Play
★ i-export ang listahan ng apps
★ maginstall ng apps na galing sa inexport na listahan ng apps
★ Walang ads (PRO)
★ madaling paguninstall at pag lipat ng app sa pamamagitan ng drag-at-drop
★ suriin ang apps sa kanilang pangalan, laki, at oras ng installation
★ ibahagi ang mga na-customize na apps sa mga kaibigan
★ suportado ang home-screen widget
Mga function para sa rooted na device
★ Root na uninstaller, Root na taga-freeze, Root na tagalinis ng cache
★ Root app mover(PRO-only)
Maglipat ng apps
Nauubusan ka na ba ng storage sa iyong telepono? Ayaw mo ba na parati mo kailangang tignan kung puwede ilipat ang isang app sa SD card? Gusto mo ba ng app na awtomatikong gagawa nito para sayo at bibigyan ka pa ng abiso pag may nailipat na app? Ang component ay talagusan sa galaw ng mga app sa external o internal storage ng iyong device sa pamamagitan ng iyong device Settings. Dahil dito, magkakaroon ka ng mas maraming kontrol sa iyong dumadaming koleksyon ng apps. Ito ay mahalaga sa kahit sino na mayroong problema sa pamamahala ng kanilang device storage.
Magtago ng apps
Wala ka bang pake sa mga apps na dinadagdag ng iyong network ng sim sa iyong Android? Ngayon puwede mo na sila tanggalin! Ang component na ito ay pumapayag sa iyo na magtago ng system (built-in) na apps mula sa drawer ng app.
Magfreeze ng apps
Maari kang magpatigil ng apps para hindi na sila gumamit ng CPU, memory resources, at ng iyong baterya. Maganda na ikaw ay nagfri-freeze ng apps ng mga app na gusto mo iwan sa iyong device, pero ayaw mo gamitin o i-uninstall.
Permissions
• WRITE/READ_EXTERNAL_STORAGE: ginagamit para i-export/i-import ang listahan ng apps
• GET_PACKAGE_SIZE, PACKAGE_USAGE_STATS: kinukuha ang impormasyon tungkol sa laki ng apps
• BIND_ACCESSIBILITY_SERVICE: ginagamit ang Accessibility services para maging awtomatiko ang mga function (e.g. linisin ang cache, ilipat ang apps), opsyonal. Nakakatulong para sa nahihirapan na magpindot at magtapos ng mga task ng mas madali
• WRITE_SETTINGS: pinipigilan ang pag-ikot ng screen habang nangyayare ang awtomatikong function
• SYSTEM_ALERT_WINDOW: naglalagay ng wait screen sa taas ng ibang apps habang nangyayare ang awtomatikong function
Kami ay napili bilang Google I/O 2011 Developer Sandbox partner, dahil sa makabagong disenyo at umuunlad na teknolohiya.
Mga Kredito:
Tagalog - Angelo Laus, Vincent C. V. Estrellado
Na-update noong
Nob 12, 2024