Mag-aral ng bagong wika gamit ang pinakadina-download na pang-edukasyong app sa mundo! Ang Duolingo ang masaya at libreng app sa pag-aaral ng higit 40 wika gamit ang saglit at kapi-kapirasong leksiyon. Magpraktis ng pagsasalita, pagbabasa, pakikinig, at pagsusulat para mapaunlad ang bokabularyo at abilidad mo sa gramatika.
Dinisenyo ng mga eksperto sa wika at kinagigiliwan ng milyon-milyong mag-aaral sa buong mundo, tutulong ang Duolingo para ihanda ka sa mga tunay na pag-uusap sa Spanish, French, Chinese, Italian, German, English, at marami pa.
Nag-aaral ka man ng wika dahil sa biyahe, eskwela, trabaho, pamilya at kaibigan, o pampatalas ng isip mo, kagigiliwan mong mag-aral gamit ang Duolingo.
Bakit Duolingo?
• Masaya at epektibo ang Duolingo. Tutulong ang disenyong parang laro at nakakaaliw na mga karakter para tumatag ang abilidad mo sa pagsasalita, pagbabasa, pakikinig, at pagsusulat.
• Gumagana ang Duolingo. Dinisenyo ito ng mga eksperto sa wika. Nakabatay sa siyensiya ang metodolohiya sa pagtuturo na napatunayang mas matagal mong matatandaan ang wika.
• Tutukan ang progreso mo. Abutin ang target mo sa pag-aaral ng wika gamit ang mga nakakaaliw na premyo at tagumpay kapag aaraw-arawin mo ang pagpapraktis!
• Samahan ang higit 500 milyong mag-aaral. Manatiling ganado sa kompetisyon sa Listahan ng Lider habang natututo ka kasama ang pandaigdigan naming komunidad.
• Libre ang bawat kurso sa wika. Mag-aral ng Spanish, French, German, Italian, Russian, Portuguese, Turkish, Dutch, Irish, Danish, Swedish, Ukrainian, Esperanto, Polish, Greek, Hungarian, Norwegian, Hebrew, Welsh, Arabic, Latin, Hawaiian, Scottish Gaelic, Vietnamese, Korean, Japanese, English, at kahit High Valyrian!
Ano ang sinasabi ng mundo tungkol sa Duolingo⭐️⭐️⭐️⭐️⭐️:
Editor’s Choice at “Best of the Best” —Google Play
“Walang duda, ang pinakamahusay na app sa pag-aaral ng wika.” —The Wall Street Journal
“Kabilang ang libreng app at website na ito sa pinakaepektibong pamamaraan sa pag-aaral ng wikang nasubukan ko… ang porma ng mga leksiyon ay saglitang hamon — pagsasalita, pagsasalin, pagsagot sa tanong na may pagpipiliang sagot — na nakakaengganyo sa aking balik-balikan ito.” —The New York Times
“Maaaring hawak ng Duolingo ang sekreto sa hinaharap ng edukasyon.” — TIME Magazine
“...Masayahin, nakakatuwa at nakakaaliw ang Duolingo…” — Forbes
Kung nagustuhan mo ang Duolingo, libreng subukan ang Super Duolingo ng 14 na araw! Matuto ng wika nang mabilis at walang ads, at makakuha ng nakakaaliw na bonus tulad ng Unli Puso at Buwanang Tagaayos ng Streak.
Magpadala ng feedback sa
[email protected]Gamitin ang Duolingo sa Web sa https://www.duolingo.com
Polisiya ng Privacy: https://www.duolingo.com/privacy