MAGLARO NG MATH
Ang Mini Morfi ay isang kakaibang mundo na may napakaraming pagkakataon na maglaro ng math. Sa Mini Morfi, makakapaglaro ka gamit ang mga hugis, laki, numero, at pattern kapag bumisita ka sa maraming tindahan at lugar sa bayan. Pero higit sa lahat, ang Mini Morfi ay isang app na maraming pagkakataong maglaro nang walang hangganan, kung saan magagawa mong tumuklas at maglaro ayon sa bilis mo. Mapapatulog mo ang cute na mga hayop na gawa sa biskwit sa Tindahan ng Hayop ni Bibi. Dito, kailangan mong tingnan ang mga geometric na hugis. Kapag gumawa ka ng mga kotse kina Molly at Polly, dapat mong tingnan ang mga hugis, at sa Nursery ng Halaman ni Alfie gagawa ka ng magagandang pattern sa mga puno. Lilitaw ang mga hayop, kotse at puno mo sa mapa ng Mini Morfi para patuloy kang makapaglalaro dito.
MAAGANG PAGKATUTO SA MATH
Nakapokus ang Mini Morfi sa kaalaman sa matematika. Ang kaalaman sa matematika ay ang unang pagpokus sa mga konsepto ng math gaya ng mga numero at pagbilang, mga hugis, pattern, at sukat. Mapahuhusay mo ang kaalaman sa matematika ng mga anak mo sa pamamagitan ng pagpokus sa math sa iba't ibang sitwasyon sa pang-araw-araw na buhay ng mga bata. Sa paraang ito, mas natututo sa math ang mga bata. Humanap ng inspirasyon sa kung paano ka makikipag-usap sa iyong anak tungkol sa math sa Mini Morfi sa pahina ng app para sa magulang.
DIY
Sa Mini Morfi, makikita mo ang maraming bagay mula sa pang-araw-araw na buhay: Gawa sa mga popsicle stick ang mga kotse, may palamuting pasta ang mga puno, at gawa sa mga biskwit ang mga cute na hayop. Sinusuportahan ng paggamit sa mga pang-araw-araw na bagay na nasa app ang ideya ng kaalaman sa matematika. Tungkol ito sa pagpansin sa math sa bawat bagay na nasa paligid mo. Sa fuzzyhouse.com/mini-morfi, makikita mo ang pantulong na masasayang ideya para sa malilikhaing gawain kasama ang mga bata.
TUNGKOL SA FUZZY HOUSE
Binuo ng Fuzzy House ang Mini Morfi. Nagdidisenyo kami ng umani na ng parangal na mga app para sa mga bata. Nakapokus ang aming mga app sa mga larong walang hangganan, imahinasyon, pagkamalikhain at pagkatuto sa pamamagitan ng laro. Kung mayroon kang anumang tanong sa amin, mangyaring magpadala ng email sa
[email protected]. Suportado ng Danish Film Institute ang pagbuo ng Mini Morfi.
www.fuzzy house.com/mini-morfi
www.fuzzyhouse.com
Instagram | @fuzzyhouse
Facebook | @fuzzyhouse
PATAKARAN SA PAGKAPRIBADO
Ang Aming Patakaran sa Privacy: https://www.minimorfi.dk/privatlivspolitik/