Ang Google Kids Space ay isang experience sa tablet na may custom na home screen at library ng de-kalidad na content para sa mga batang wala pang 9 na taong gulang. Magagawa ng mga bata na i-customize ang kanilang experience gamit ang mga natatanging avatar at makatanggap ng mga rekomendasyon sa content batay sa kanilang mga interes, at makakapagtakda ang mga magulang ng mga limitasyon gamit ang parental controls.
Kinakailangan ng Google Kids Space ang Google Account para sa iyong anak at compatible na Android device.
Mga app at larong naaprubahan ng guro
Ang Google Kids Space ay may mga app at laro mula sa Google Play, na inaprubahan ng mga guro at espesyalista sa pambatang edukasyon at media. Ang mga app na Naaprubahan ng Guro ay naaangkop sa edad, maingat na idinisenyo, at nakakatuwa o nagbibigay-inspirasyon.
Para sa mga magulang na gusto ng flexibility bukod pa sa mga rekomendasyon ng Google Kids Space, puwede kang magdagdag ng higit pang content mula sa Google Play store sa pamamagitan ng menu ng magulang.
Mga aklat na espesyal na pinili ng mga eksperto sa pambatang aklat
Na-curate ng mga eksperto ang isang umiikot na catalog mula sa Play Books para mahikayat ang hilig sa pagbabasa. May mga classic na aklat at mga bagong kuwentong sumasaklaw sa mga paksa mula sa mga truck hanggang sa ballet, na may nakakatuwang mga pamagat at character na makikilala mo. Puwedeng makahanap ang mga bata ng bagong interes o puwede nilang balikan ang ilan sa mga paborito nilang kuwento nang paulit-ulit.
Mga inirerekomendang video na may makabuluhang content
Puwedeng mabigyan ng inspirasyon ang mga bata na gumawa, tumuklas, at sanayin ang kanilang mga kakayahan gamit ang mga video mula sa YouTube Kids na nagpapasimula ng hands-on na pagiging malikhain at paglalaro. Makakahanap sila ng video tungkol sa lahat ng bagay, mula sa mga simpleng aktibidad sa pagguhit hanggang sa mga kakaibang proyektong pang-agham. Gusto man nilang matuto, kumanta, o tumawa, makakapag-explore ang mga bata ng mga video tungkol sa mga paksa at character na interesante para sa kanila.
Idinisenyo nang may pagsasaalang-alang sa curiosity ng mga bata
Mga proyekto man sa mga hayop o sining, nagiging maliliit na eksperto ang mga bata sa mga bagay na gustong-gusto nila. Idinisenyo ang Google Kids Space para tulungan silang tuklasin ang mga pinakabago nilang interes at matuto nang higit pa, sa mga bago at nakakaengganyong paraan. Puwede ring i-customize ng mga bata ang kanilang karanasan sa pamamagitan ng paggawa ng sarili nilang character, na makikita nila sa screen kapag nag-log in sila.
Magtakda ng mga limitasyon gamit ang parental controls
Gamit ang parental controls sa Family Link app mula sa Google, puwede mong gabayan ang karanasan ng iyong anak sa pamamagitan ng pamamahala ng content mula sa Google Play, pagtatakda ng limitasyon sa tagal ng paggamit, at higit pa, lahat mula sa sarili mong device.
Mahalagang impormasyon
Binabago ng Google Kids Space ang home screen ng tablet ng iyong anak at ginagawa itong karanasang makakatulong sa mga bata na isaayos ang content na alam at gusto nila sa mga tab para sa mga app at laro, video, at aklat. Puwedeng i-off ang Google Kids Space anumang oras mula sa menu ng magulang.
Kailangan ng Google Kids Space ng Google account para sa iyong anak. Kinakailangan ng parental controls ang Family Link app sa sinusuportahang Android, Chromebook, o iOS device. Posibleng magkakaiba ang availability ng mga feature ayon sa rehiyon. Available ang Google Kids Space para sa mga piling Android tablet. Ang Google Assistant ay hindi available sa Google Kids Space.
Posibleng hindi sa lahat ng rehiyon available ang mga aklat at content na video. Nakadepende sa pagiging available ng YouTube Kids app ang content na video. Kinakailangan ang Play Books app para sa mga aklat. Posibleng magbago ang availability ng mga app, aklat, at content na video nang walang abiso.
Na-update noong
Okt 23, 2024