Ang iyong family history ay ang kwento mo. Ginagawang madali ng Family Tree app ang pagdagdag, pag-edit, o pagbahagi ng sarili mong family history kung saan may madadala kang phone o tablet. Dahil nagsi-sync ang app sa FamilySearch website, ang mga pagbabago o pagdagdag ay makikita sa anumang device.
Family Tree—Tingnan, magdagdag, at mag-edit ng impormasyon tungkol sa iyong mga ninuno. Pagandahin ang iyong tree sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga retrato, kwento, at dokumento.
Mga Task—Tingnan kung sinong mga ninuno ang nakita na ng FamilySearch sa mga rekord ng kasaysayan at kumuha ng mga ideya kung paano magpapatuloy.
Hanapin ang mga Rekord ng Kasaysayan—Hanapin ang iyong mga ninuno sa bilyun-bilyong mga rekord sa FamilySearch.org upang malaman ang mas maraming detalye ng kwneto ng iyong pamilya.
Mga Kamag-anak sa Paligid Ko—Tingnan kung ano ang relasyon mo sa mga kalapit na mga user ng FamilySearch na naka-sign in sa app. Ito ay masayang aktibidad sa susunod na group meeting, party, o event.
Ilagay sa Mapa ang Aking mga Ninuno—Alamin ang iyong pagkakakilanlan sa mga mapa na nagpapakita nga mahahalagang kaganapan sa buhay ng iyong mga ninuno.
Mga Mensahe—Makipag-usap at makipag-ugnayan sa iba pang user ng FamilySearch sa app.
PABATID: Ang content na ilalagay mo para sa mga taong namatay na ay makikita ng publiko. Tingnan ang aming privacy policy para sa karagdagang mga detalye.
Na-update noong
Okt 8, 2024