Ang Aklat ni Mormon, tulad ng Biblia, ay salita ng Diyos. Ito ay naglalaman ng patnubay ng Diyos ayon sa pagkakahayag sa mga propeta, gayundin ng mga kasaysayan ng relihiyon ng ilan sa mga nanirahan sa mga lupain ng Amerika noong unang panahon. Ang Aklat ni Mormon ay isa pang saksi na si Jesucristo ang Anak ng Diyos at lahat ng lumalapit sa Kanya at sumusunod sa Kanyang mga kautusan ay maliligtas. Isinalin ni Joseph Smith ang talaang ito sa wikang Ingles sa pamamagitan ng kaloob at kapangyarihan ng Diyos, at ito ay unang inilathala noong Marso 1830.
Mga Tampok
Isinalin sa maraming pangunahing wika sa mundo
May audio recording sa mga piling wika, kabilang na ang Ingles, Espanyol, at Portuges
May gabay na reperensya na nagtatampok sa mahahalagang talata tungkol kay Jesucristo, mga paksa ng ebanghelyo, mga tao, lugar, at pangyayari
Maaaring mag-search at may mga tulong sa pag-navigate
Maaring ibahagi at may mga link para sa karagdagang kaalaman
Na-update noong
Nob 6, 2024