Ang Gospel Living mobile appay dinisenyo upang suportahan ang programang Mga Bata at Kabataan sa pamamagitan ng paggawa ng kawili-wili, masaya, nagbibigay-inspirasyon at nauugnay na mga karanasan upang makatulong na maipamuhay ang ebanghelyo sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Kasama sa app ang:
• Mga nilalaman na nagbibigay- inspirasyon
• Mga ideya sa aktibidad ng grupo
• Aktibidad ng grupo at paglikha ng miting
• Personal na mga mithiin
• Mga paalala
• Komunikasyon
• Pagninilay at mga kaisipan
Mga Core Feature
Tuklasin
Ang Discover feed ay regular ina-update ng nakasisiglang mga artikulo, video, audio, at larawan. Kasama rito ang mga link sa kasalukuyang mga lesson sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin upang suportahan ang pag-aaral ng ebanghelyo. Bukod pa rito, maaari mong alaming mabuti ang mga ideya sa paglilingkod, mga aktibidad, at personal na mga mithiin.
Mga Mithiin
Magtakda ng mga personal na mithiin para sa mga bagay na gusto mong sikapin o matutuhan upang matulungan kang umunlad sa pakikisalamuha, sa intelektuwal, espirituwal, o pisikal. Pangasiwaan ang iyong mga pagsisikap at subaybayan ang progreso ng iyong mga personal na mithiin.
Iniisip
Pag-isipan ang mga mithiin, isulat ang iyong mga ideya, ang iyong naiisip o mag-ingat ng journal ng iyong mga karanasan.
Circles o Mga Ugnayan
Ikokonekta ka ng Circles o Mga Ugnayan na feature sa pamilya, mga klase, korum, at iba pa na kasama mong naglilingkod sa Simbahan. Maaari kayong mag-usap-usap tungkol sa mga aktibidad ng grupo, talakayin ang natututuhan ninyo, magbahagi ng progreso ng mithiin, at hikayatin at suportahan ang isa‘t isa. Mula sa Discover feed, ang nilalaman ay maaaring i-share, tulad ng mga artikulo na nagbibigay-inspirasyon, larawan, sipi, video, at ideya para sa mga aktibidad at paglilingkod ng grupo. Sa loob ng Circles o Mga Ugnayan, maaaring lumikha ang mga miyembro ng mga aktibidad o miting ng grupo at anyayahan ang iba sa event o kaganapan; ang mga participant ay maaaring mag-RSVP na nagsasaad ng partisipasyon.
Na-update noong
Ago 28, 2024